Pahayag ni Nograles na dalawa na lang ang pagpipilian ng partylist sa Speakership, kinontra

By Erwin Aguilon June 11, 2019 - 08:42 PM

Pinasinungalingan ni Partylist coalition president Mikee Romero ang pahayag ni PBA Rep. Jericho Nograles na dalawa na lang ang pinagpipilian nilang kandidato sa pagka-speaker.

Ayon kay Romero, wala pang opisyal na posisyon ang partylist groups dahil sa susunod na linggo pa sila magpupulong para desisyunan kung sino ang susuportahan sa speakership race.

Bagama’t iginagalang aniya nila ang sentimyento ng bawat isa sa kanilang miyembro, mainam na hintayin pa rin ang opisyal nilang posisyon.

Nanindigan si Romero na bloc voting ang kanilang gagawing pagboto sa Speakership.

Sa press release ni Nograles, sinabi nitong limitado na lamang kina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez ang choices ng partylist groups.

Samantala, inaasahang mas titindi pa ang lobbying sa mga mambabatas dahil sa sinasabing proxy war of tycoons sa labanan sa Speakership.

Bukod kasi kay Ramon Ang, lumutang na rin ang mga pangalan nina Danding Cojuangco at Enrique Razon na umano’y meron ding kanya-kanyang manok na pinopondohan ang speakership bid.

TAGS: Congress, Mikee Romero, Partylist Coalition, Rep. Jericho Nograles, speakership, Congress, Mikee Romero, Partylist Coalition, Rep. Jericho Nograles, speakership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.