Cayetano pinakakarapat-dapat na mamuno sa Kamara, ayon sa isang cause-oriented group
Kung susuriing mabuti, si Congressman-elect Alan Peter Cayetano na siguro ang pinakakarapat-dapat at may kakayanan na maging bagong Speaker of the House, ito ang pahayag ng cause-oriented group na Malayang Mamamayan para sa Pagbabago ng Lipunan o MMPL.
Kahit noon pa man ay subok na rin ng panahon, napatunayan na ni Cayetano kay President Rodrigo Duterte na meron siyang kakayanan na gampanan ang trabaho at kaya niya itong tapusin na may malinaw at maayos na resulta.
Sinabi ng MMPL na kagaya na lamang noong 2016, naibigay ni Cayetano ang napakalaking boto ng noo’y Davao mayor sa resulta ng presidential election sa Taguig, ang bailiwick ng mga Cayetano, kumpara sa mga nakalabang kandidato.
Tatlong taon ang nakalipas, ang mga kandidato naman ng Hugpong ng Pagbabago na binuo ng Presidential daughter na si Sara ang nanguna sa senate race sa Taguig.
Walang duda na si Cayetano na siguro ang tama lamang na mapili, dagdag pa ng MMPL. Kahit na sa ibang bansa, nakayanan na ipagtanggol ni Cayetano ang Presidente sa harap ng international community sa war on drugs ng gobyerno.
Hinarap din niya bilang isang magiting na public servant ang kasong isinampa sa kanya at kay Presidente Duterte ni Atty. Jude Sabio sa international courts, dagdag ng pahayag ng grupo.
Saad pa nito na sa character ni Cayetano, napatunayan na rin niya ang sensiridad sa pagsilbi sa bayan. Nagpatuloy si Cayetano na ipatupad ang good governance sa pamahalaan at itakwil ang corruption bilang congressman at senator.
Hinarap din ng buong tapang ni Cayetano ang mga ma-impluwensyang tao at inimbistigahan at isiniwalat niya ang mga ma-anomalyang transaksyon sa pamahalaan man o pribadong sektor.
“Ang patunay nito, hindi nadawit ang pangalan ni Cayetano sa kahit na anong kontrobersya kasama na ang sinasabing nagaganap na vote-buying scheme umano sa House of Representatives,” sabi ng MMPL.
Sa mga ulat na naglabasan, ang kampo ni Rep. Martin Romualdez ay nag-alok umano ng P500,000 sa bawat kongresista na boboto sa kanya samantalang dinoble naman ni Rep. Lord Allan Velasco ang presyo sa bawat botong makukuha sa pagka-Speaker.
“Sa larangan naman ng kakayanan at experience, walang duda na si Cayetano ang nangunguna sa lahat ng mga nagnanais na maging Speaker,” saad pa ng MMPL.
Ang incoming Taguig congressman, na nanalo sa pamamagitan ng landslide noong May 13 polls, ay may malawak na experience sa parehong local at national politics.
Si Cayetano ay nagdaan bilang konsehal, vice mayor, at three-time congressman. Siya rin ay naging two-time senator ng bansa.
Dagdag pa ng grupo, mabisa siya bilang tulay sa pagitan ng House at ng Senado na siguradong mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga plano at mithiin ng administrasyon para sa ikagaganda ng bansa.
Si Cayetano ay naging myembro na rin ng Gabinete, na ibig sabihin ay meron siyang link sa pagitan ng legislative at executive branches ng gobyerno.
Kayang kaya rin niya na gampanan ang papel bilang representante ng House at ng gobyerno sa mga international arena. Dahil ito sa kanyang experience bilang naging top diplomat sa Department of Foreign Affairs.
“Kaya sa totoo lang, ano pa ba ang hahanapin mo kay Alan Peter Cayetano? Siya ang karapat dapat na maging susunod na House Speaker,” pagtatapos na sabi ng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.