118th anniversary ng SC ipinagdiwang ng mga mahistrado

By Ricky Brozas June 11, 2019 - 12:57 PM

Nagsama-sama ang mga retirado at nakaupong mahistrado ng Korte Suprema ngayong araw, June 11 para sa ika-118 anibersaryo ng Supreme Court.

Ang tema ng pagdiriwang ay “Korte Suprema: Ang Susunod na Kabanata.”

Pinangunahan ito ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Kabilang naman sa mga dumalo ay si Retired Chief Justice Reynato Puno na nagbigay ng mensahe para sa mga retired and incumbent Associate Justices, at si Retired Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Highlight ng anibersaryo ng SC ang inagurasyon ng Judiciary Memorabilia Hall, na matatagpuan sa Old Session Hall, sa lumang gusali ng Korte Suprema.

Kabilang sa mga makikita sa Judiciary Memorabilia Hall ay mga lumang “court dress”, mga kagamitan at mga larawan ng mga mahistrado at iba pa, na parte na ng kasaysayan ng Korte Suprema.

TAGS: Anniversary, Judiciary Memorabilia Hall, Supreme Court, Anniversary, Judiciary Memorabilia Hall, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.