Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang overstaying na Kuwaiti national kasunod narin ng mga reklamo ng kanyang mga kapitbahay dahil sa umano’y pagiging arogante nito.
Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, nakilala ng 59 anyos na Arab national na si Ahmad Issac Alameri na inaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence Operations Unit ng BI sa Guimaras island.
Ayon kay Manahan noon pang July 2017 ay overstaying na sa bansa si Alameri na nagtataglay ng Kuwaiti passport.
Inamin umano nito na hindi na siya makabalik pa sa kanilang bansa dhail wanted ito mula sa Royal family at Kuwait’s intelligence agencies.
Sinabi ni Manahan na wala ring pera si Alameri para mag’renew pa ng kanyang passport at para mag-extend ng kanyang visa para sa mas matagal na pananatili nito sa bansa.
Iniutos na ng BI ang deportation proceedings laban sa nasabing dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.