Tanggapan ng isang investment company sa Mandaue City sinalakay ng CIDG

By Dona Dominguez-Cargullo June 11, 2019 - 10:52 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 7 ang tanggapan ng isang investment company sa Cebu.

Ginawa ang pagsalakay Martes (June 11) ng umaga, isang araw matapos magsara ang tanggapan ng Organico Agribusiness Ventures Corporation sa A.C. Cortes Avenue sa Mandaue City.

Kahapon ay dumagsa sa naturang tanggapan ang mga investor ng Organico matapos malamang sarado na ito.

Sa labas ng pasilidad ay may nakasulat na “CLOSED FOR RENOVATION”.

Pero nagrereklamo ang mga investor dahil walang makapagbigay sa kanila ng paliwanag kung bakit isinara ang tanggapan.

Dumagsa rin muli ngayong umaga sa Organico ang mga investor nito na umaasahang makakukulekta ng kanilang payout.

TAGS: Investment, investment company, investors, Mandaue City, organico, radyoinquirer, Investment, investment company, investors, Mandaue City, organico, radyoinquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.