Bagyong Nona at Onyok mag-aabot sa PAR

By Dona Dominguez-Cargullo December 16, 2015 - 06:49 AM

NONA Dec 16 6amBago pa makaalis sa bansa ang bagyong Nona, papasok na mamayang hapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa pang tropical depression.

Ayon sa PAGASA ang isa pang bagyo na huling namataan sa 1,425 km East Southeast ng Mindanao ay papasok sa bansa ngayong hapon at papangalanang Onyok.

Westward ang kilos nito at inaasahang makaka-apekto sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao.

Malaki din ang tsansa na lumakas pa bilang isang typhoon ang nasabing bagyo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Aldczar Aurello na posibleng tumama sa kalupaan ng Mindanao ang nasabing bagyo.

Dahil masyado pang malayo, hindi pa matukoy ng PAGASA ang eksaktong lugar sa Mindanao kung saan tatama ang parating na bagyo.

TAGS: new typhoon to enter par this afternoon, nona and onyok update, new typhoon to enter par this afternoon, nona and onyok update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.