Disqualification case nina Poe at Duterte, nakabitin pa rin sa COMELEC

By Kathleen Betina Aenlle December 16, 2015 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Hindi pa rin masabi ng Commission on Elections (COMELEC) kung kailan sila makakabuo ng desisyon tungkol sa mga disqualification cases laban sa mga kakandidato sa 2016 elections.

Kabilang na nga sa mga hindi pa rin nade-desisyunan ng COMELEC ay ang mga kasong diskwalipikasyon laban kay Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, inaasahang matatapos na nila ngayong araw, Miyerkules, ang deliberasyon ngunit hindi pa rin nila matiyak kung kailan sila makakapaglabas ng mga resolusyon.

Hindi aniya kasi madali ang kanilang ginagawa dahil kailangang pag-aralan ng maigi ang motion for reconsideration (MR) na inihain ni Poe sa Second Division ng COMELEC para baliktarin ang pag-kansela nito sa kaniyang certificate of candidacy.

Sa kaso naman ni Duterte, nakatakdang magdaos ng pagdinig ang COMELEC First Division upang talakayin ang pagpapadiskwalipika sa kaniya ng broadcaster na si Ruben Castor. Ito ay dahil umano sa pagkakamali sa certificate of candidacy (COC) ng unang presidential candidate ng PDP-Laban na papalitan ni Duterte na si Martin Diño.

Pero bukod sa mga kaso nina Poe at Duterte, nakatakda ring talakayin ng COMELEC ang mga motions for substitutions na inihain ng iba pang mga lokal na kandidato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.