Philhealth officials pinagbibitiw na ni Duterte dahil sa bogus claim scam

By Chona Yu, Den Macaranas June 10, 2019 - 04:53 PM

Inquirer file photo

Pinagsusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ng courtesy resignation si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) acting Chief Roy Ferrer kasama ang mga miyembro ng board.

May kaugnayan ito sa kamakailan ay nabistong dialysis scam.

Nauna nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kakausapin ng pangulo ngayong hapon ang mga opisyal ng Philhealth.

Magugunitang isiniwalat ng isang dating empleyado ng MedWell dialysis center ang umano’y paniningil ng nasabing pagamutan ng bayad sa Philhealth gayung patay na ang ilan sa kanilang mga kliyente.

Noong isang linggo ay sinabi ng pangulo na hindi niya palalampasim ang nasabing anumalya dahil malaking pera ang nawala sa Philhealth bunga ng mga bogus claims.

Pinakakasuhan rin ng pangulo ang lahat ng sangkot sa nasabing iskandalo makaraang sampahan ng mga kaso ang mga opisyal ng WellMed.

TAGS: courtesy resignation, dialysis scam, duque, duterte, philhealth, courtesy resignation, dialysis scam, duque, duterte, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.