‘Nona’ palabas na, pero ‘Onyok’ nagbabadya nang pumasok ng bansa
Bagaman tinatahak na ng bagyong Nona ang direksyon patungong West Philippine Sea at palabas ng bansa, bumagal naman ang pagkilos nito.
Habang papalabas naman na ang bagyong Nona, mayroon namang isa pang sama ng panahon na nakaambang papasok sa bansa.
Huling namataan ang tropical depression sa tinatayang 1,580 km Silangan Timog-silangan ng Mindanao, sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Oras na makapasok sa bansa at maging bagyo, ito ang magiging ika-15 bagyo ngayong taon at papangalanang ‘Onyok’.
Inaasahang mararanasan ang epekto ng nakaambang sama ng panahon kasunod ng bagyong ‘Nona’ ngayong darating na weekend.
Sa Biyernes naman inaasahang hihina ang bagyong ‘Nona’ at magiging low pressure area na lamang sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.