Sen. Win Gatchalian, inihirit ang dagdag guidance counselor sa mga paaralan kontra bullying

By Jan Escosio June 10, 2019 - 11:19 AM

INQUIRER Photo
Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na mabisang paraan ang guidance counselors para mabawasan kundi man maiwasan ang mga kaso ng bullying sa mga eskuwelahan.

Ito ang dahilan kaya’t inihirit ng senador sa DepEd na gawing prayoridad ang pagkuha ng mga karagdagang guidance counselors para sa public elementary and high schools.

Nag-ugat ang panawagan na ito ng Gatchalian sa mismong datos ng kagawaran na higit sa 22,000 kaso ng school bullying ang naiulat noong 2016 hanggang 2017.

Bagamat ang bilang ay mababa na kumpara sa naitalang higit 32,000 noong 2015 hanggang 2016, sinabi ng senador na may mga paraan pa para maibaba pa ng husto ang bilang ng mga kaso.

Pagdidiin nito kailangan gawin ligtas ang mga paaralan para sa mga mag-aaral at aniya malaki ang magagawa ng school guidance counselor para maiwasan na sa hinaharap ay maging children at risk o children in conflict with the law ang mga school bully.

TAGS: guidance counselors, public schools, Radyo Inquirer, Sherwin Gatchalian, guidance counselors, public schools, Radyo Inquirer, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.