Pangulong Duterte walang planong ipagdiwang ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas

By Rhommel Balasbas June 10, 2019 - 03:01 AM

Duterte file

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagdiwang ang ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.

Sa panayam ng self-proclaimed ‘Appointed Son of God’ na si Pastor Apollo Quiboloy nitong weekend, sinabi ng pangulo na ang pagdating ng Kristiyanismo ay nagpasimula sa paghihirap ng bansa.

“We revere the conquistadores. Not me. So, we do not celebrate anything. Why would we celebrate? Coming of Christianity. That started our travails and agony and sorrow, mag-celebrate ako (should I celebrate),” ayon sa pangulo.

Magugunitang taong 1521 nang madala ng ekpedisyon ni Ferdinand Magellan ang Katolisismo sa Pilipinas partikular sa lalawigan ng Cebu.

Muling binanatan ng presidente ang Simbahang Katolika at tinawag itong hindi magandang relihiyon.

Hindi anya dapat ipagdiwang ang pagdating ng mga Espanyol sa bansa kung saan naranasan ang imperyalismo at pagpapahirap sa mga Filipino sa loob ng halos 400 taon.

“500 years of Christianity. Really? What’s so special? Ba’t ako mag-celebrate… (Why should I celebrate)? I celebrate the start of the subjugation of my country for 400 years? You must be kidding.
I celebrate the day when the heroes of my country were slaughtered,” giit ng pangulo.

Sinabi pa ni Duterte na may sarili siyang Diyos at ang Diyos niya ay mabuti.

Wala anyang nilikhang langit at impyerno ang kanyang Diyos at hindi ito lumalang ng tao para lamang ipatapon sa impyerno.

Samantala, nauna nang sinabi ni Cebu Archbishop Jose Palma na inimbitahan sa makasaysayang selebrasyon sa 2021 si Pope Francis.

TAGS: 500 years of Christianity in the Philippines, Rodrigo Duterte, Spanish era, 500 years of Christianity in the Philippines, Rodrigo Duterte, Spanish era

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.