2 kaso naipanalo ng INC – Zabala

By Jay Dones December 16, 2015 - 04:22 AM

 

Inquirer file photo

Wagi ang Iglesia ni Cristo sa dalawang kasong kinaharap nito sa Estados Unidos at dito sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni INC spokesperson Edwil Zabala.

Ayon kay Zabala, sa unang kaso, pumanig sa INC ang korte sa Virginia Beach, Virginia nang i-deny ang hiling ng petitioner na si Lilibeth Rose na i-refund ng simbahan ang lingguhang donasyon na ibinigay nito matapos siyang itiwalag.

Sa desisyon aniya ng korte, sinabi na ang mga ‘church offering’ ay ibinigay nang kusang-loob at para sa pagbibigay-pugay sa Diyos.

Dito naman aniya sa Pilipinas, pinaninigan ng Court of Appeals ang naunang desisyon nito sa kasong libel na kanilang inihain laban sa lider ng ‘Ang Dating Daan’ na si Eliseo Soriano.

Sa desisyon na inilabas noong November 24, pinagtibay nito ang naunang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court noong December 16, 2013 na nagsasabing guilty sa dalawang counts ng libel si Soriano.

Nag-ugat ang kaso nang sabihin umano ni Soriano sa kanyang programa noong 2003 na “ang Iglesia ni Cristo ay isang simbahang pumapatay, nanlilinlang, naghahasik ng sindak at nagnanakaw.”

Pinagbabayad din si Soriano ng 120,000 piso bilang danyos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.