DICT, hinikayat ang mga guro na iwasang magbigay ng ‘like-based’ school projects

June 09, 2019 - 08:37 PM

Hinikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga guro na iwasang magbigay ng mga proyekto kung saan nakadepende ang grado sa makukuhang bilang ng ‘likes’ sa social media.

Sa ipinadalang mensahe sa Inquirer.net, sinabi ni DICT Secretary Eliseo Rio na ito ay bunsod ng mga natatanggap na reklamo mula sa ilang magulang.

Karaniwan aniya itong reklamo ng mga magulang sa Digital Parenting seminars ng DICT Cybersecurity Bureau.

Dagdag pa nito, ang pag-post ng mga proyekto sa social media ay posibleng maging dahilan para masangkot ang mga estudyante sa cyberbullying sa pamamagitan ng maiiwang komento sa kanilang proyekto.

Maari rin aniyang makakuha ang ibang tao ng mga pribadong detalye sa mga menor de edad na estudyante.

Dagdag ni Rio, dapat maprotektahan ang mga estudyante mula sa panganib sa social media.

Matatandaang nauna nang hinikayat ng kagawaran ang mga guro na iwasang gamitin ang social media sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa eskwelahan.

TAGS: dict, school project, social media, dict, school project, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.