Balasahan sa PhilHealth, pinag-aaralan ni Pangulong Duterte
Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na balasahin sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Pahayag ito ng pangulo sa gitna ng kontrobersiya sa ghost dialysis procedure kung saan tinatayang bilyong pisong pondo ng gobyerno ang nalulustay.
Ayon sa pangulo, mga business people ang dapat nasa PhilHealth dahil isang bilyong pisong pondo ang nakalaan sa pagpapagamot.
Giit ng pangulo, hindi katanggap-tanggap sa kanya na isang bilyong piso ang nawala dahil sa anomalya.
Gayunman, sinabi ng pangulo na buo pa rin ang kanyang tiwala kay PhilHealth acting Operations Officer Roy Ferrer.
Ayon sa pangulo, isa si Ferrer sa mga nagtulak na parusahan ang mga sangkot sa hindi tamang pggamit sa pondo ng health insurance funds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.