Robredo: Pagkatalo ng Otso Diretso hindi kasalanan nina Pangilinan, Belmonte

By Len Montaño June 09, 2019 - 02:53 AM

Hindi umano kasalanan nina Senator Kiko Pangilinan at Rep. Kit Belmonte, presidente at secretary general ng Liberal Party (LP), ang pagkatalo ng mga kandidato sa pagkasenador ng Otso Diretso noong May 13 elections.

Pahayag ito ng chairman ng LP na si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Robredo, kahanga hanga ang pag-ako nina Pangilinan at Belmonte sa kanilang responsibilidad sa pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon.

Pwede anyang maraming pagkukulang pero hindi umano ito nila kasalanan.

Dagdag ng Pangalawang Pangulo, hindi “total loss” para sa Otso Diretso na walang pumasok kahit isa nilang kandidato sa Top 12.

Sa isyu ng pagkakaroon ng bagong LP president, sinabi ni Robredo na pag-uusapan pa nila ang pwesto ni Pangilinan sa kanilang national executive council bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

 

TAGS: hindi kasalanan, liberal party, May 13 elections, may pagkukulang, oposisyon, Otso Diretso, Rep. Kit Belmonte, Senator Kiko Pangilinan, total loss, Vice President Leni Robredo, hindi kasalanan, liberal party, May 13 elections, may pagkukulang, oposisyon, Otso Diretso, Rep. Kit Belmonte, Senator Kiko Pangilinan, total loss, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.