Duterte itinanggi na inoperahan siya sa puso noong Mayo

By Len Montaño June 08, 2019 - 09:50 PM

File photo

Sa gitna ng balita na naospital siya noong nakaraang buwan, itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inoperahan siya sa puso.

Sa panayam sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na hindi naman sa wala siyang sakit pero hindi umano siya sumailalim sa heart surgery.

“Hindi… I’m not without —may sakit. Pero kung sabihin mo na na-operahan daw ako sa heart…If there is something wrong in my heart, it cannot be a heart disease. It could only be that a wayward heart has so many hurts that it ceased to see the right,” pahayag ng Pangulo.

Noong buwan ng Mayo ay ilang araw hindi lumabas sa publiko ang Pangulo matapos ang eleksyon noong May 13.

Ilang beses na ring pinabulaanan ng Malakanyang na naconfine ang Pangulo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Naglabas din si Senator-elect Bong Go ng mga larawan ng Pangulo na nagbabasa ng mga pahayagan bilang “proof of life.”

 

TAGS: heart surgery, inoperahan, itinanggi, May 13 election, Pastor Apollo Quiboloy, proof of life, puso, Rodrigo Duterte, heart surgery, inoperahan, itinanggi, May 13 election, Pastor Apollo Quiboloy, proof of life, puso, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.