SCTEX may dagdag singil simula sa June 14

By Den Macaranas June 08, 2019 - 08:43 PM

Photo: SCTEX

Tuloy na ang pagpapatupad ng dagdag singil sa toll ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Sa kanilang advisory, sinabi ng Toll Regulatory Board na simula sa June 14 ang nasabing dagdag singil.

Ang mga class 1 vehicles ay may P20 dagdag sa toll fee mula sa Mabalacat City hanggang Tarlac, habang P32 naman ang idaragdag para sa mga babiyahe sa pagitan ng Mabalacat at Tipo at Subic.

Ang mga class 2 vehicles kabilang ang mga bus ay mayroong dagdag na P40 mula Mabalacat hanggang Tarlac at P66 naman ang taas-presyo kapag babiyahe mula Mabalacat hanggang Tipo road.

Para sa mga malalaking sasakyan ay P60 ang dagdag singil para sa rutang Mabalacat-Tarlac at P98 naman ang dagdag kapag babiyahe sila mula Mabalacat hanggang Tipo.

Ipinaliwanag ng TRB na noong 2011 pa inihain ng SCTEX ang kanilang petisyon para sa toll fee adjustment.

Nauna dito ay nagtaas na rin ng singil ang pamunuan ng North Luzon Expreway (NLEX).

TAGS: BUsiness, mabalacat, NLEX, Pampanga, SCTEX, Tarlac, toll fee increase, trb, BUsiness, mabalacat, NLEX, Pampanga, SCTEX, Tarlac, toll fee increase, trb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.