Isang tren ng MRT-3, nagka-aberya; Higit 800 pasahero, pinababa
Nagkaaberya ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3), Biyernes ng hapon (June 7).
Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, apektado ng aberya ang kanilang northbound train sa Boni Station bandang 5:21 ng hapon.
Ito ay bunsod anila ng electrical failure sa motor ng tren.
Sa hiwalay na abiso, ang ‘worn-out electrical sub-components’ ay isa sa dahilan ng nangyaring electrical failure.
Dahil dito, pinababa ang nasa 850 na pasahero sa tren.
Makalipas ang pitong minuto, nakasakay sa sumunod na tren ang mga apektadong pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.