Anim na Chinese Nationals arestado sa magkahiwalay na operasyon ng NBI

By Ricky Brozas June 07, 2019 - 04:53 PM

CTTO

Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) – Anti-Cybercrime Division ang anim na Chinese na sangkot sa iba’t ibang krimen sa bansa.

Unang naaresto noong Mayo 31, 2019 sa isang hotel sa Parañaque City sina Junrong Jia, Xuejian Li, at Quijian Tian dahil sa kaso ng kidnapping at paglabag sa access device law.

Ayon sa NBI, dinukot ng sindikato ng mga suspek ang hindi pinangalanang biktima na dinala sa hotel sa Parañaque at nag-demand ng ransom sa pamilya ng biktima sa Beijing, China.

Kaugnay nito dinakip ng NBI ang mga suspek na sina Peter Lim Santos, Wang Liping at Au Pang Liang matapos na tangkaing suhulan ng kalahating milyong piso ang NBI operatives upang palayain ang tatlong suspek sa kidnapping for ransom.

TAGS: Anim na Chinese Nationals, Anti-Cybercrime Division, arestado, magkahiwalay na operasyon, NBI, Anim na Chinese Nationals, Anti-Cybercrime Division, arestado, magkahiwalay na operasyon, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.