Rotational brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang lalawigan ng Luzon ipinatupad – NGCP
Nagpa-abiso na ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan sa Luzon.
Ito ay bunsod ng pag-iral ng red alert sa Luzon Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa NGCP unang naapektuhan ng Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout mula alas 12:00 ng tanghali hanggang ala 1:00 ng hapon ang mga sineserbisyuhan ng MERALCO sa ilang bahagi ng Metro Manila, LUELCO sa ilang bahagi ng La Union, QUEZELCO II sa ilang bahagi ng Quezon at CANORECO sa ilang bahagi ng Camarines Norte.
Sinabi ng NGCP na maaring mas mapaaga ang balik ng kuryente kung magkakaroon ng pagbaba sa demand,
Iiral ang red alert Luzon Grid hanggang alas 4:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.