Reckless motorist sa viral video, natanggap na ang LTO resolution na nagpapawalang bisa sa kaniyang lisensya

By Dona Dominguez-Cargullo June 07, 2019 - 09:38 AM

Mismong ang motoristang si Miko Lopez ang tumanggap ng LFTRB resolution na nagpapawalang bisa sa kaniyang lisensya

Si Lopez ang motorista na nang-viral sa Facebook matapos i-upload niya mismo ang kaniyang video habang nagmamaneho na nasa passenger seat sya at wala sa driver’s seat.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) si Lopez ang personal na tumanggap at lumagda sa resolusyon ng Land Transportation Office (LTO).

Nakasaad sa resolusyon na binabawi ng LTO ang lisensya ni Lopez at ang panghabambuhay na pagbabawal sa kaniya na makakuha muli ng bagong lisensya.

Tinanggap ni Lopez ang resolusyon, alas 5:36 ng hapon ng Huwebes (June 6).

Maliban sa pagbawi sa kaniyang lisensya pinagmumulta din si Lopez ng kabuuang P9,000.

Ito ay dahil sa sumusunod na mga paglabag:

– Reckless driving (P2,000)
– Failure to wear seatrbelt (P1,000)
– Overspeeding/Disregarding traffic signs (P1,000)
– Unauthorized motor vehicle modification (P5,000)

TAGS: dotr, lto, Miko Lopez, reckless motorist, viral video, dotr, lto, Miko Lopez, reckless motorist, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.