Liderato ni Arroyo “remarkable at efficient” ayon sa Kamara

By Dona Dominguez-Cargullo June 07, 2019 - 06:59 AM

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
Pinagtibay ng House of Representatives ang resolusyon na nagbibigay ng komendasyon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang katangi-tangi at mahusay na pamumuno bago magtapos ang 17th Congress.

Walang anumang naging pagtutol sa resolusyon na inihain ng mga kinatawan na sina Fredenil H. Castro at Danilo E. Suarez.

“Through sheer hard work, efficiency and professionalism, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo steered the House of Representatives to fully realize President Duterte’s change and development agenda that will make a positive impact on the lives of the Filipino people,” nakasaad sa resolusyon.

Kabilang sa mga makabuluhan na batas na pinangunahan at inisponsoran ni SGMA na umani ng boto sa kapwa niya mga mambabatas ay ang pagpasa sa samu’t saring socio-economic measures katulad ng mga sumusunod:

– Republic Act 11054 o ang “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao”
– RA 11055 o ang “Philippine Identification System Act”; RA 11210 o ang “105-Day Expanded Maternity Leave Law”; RA 1223 (Universal Health Care Act)
– RA 11291 o ang “Magna Carta of the Poor”; and RA 11310 or the “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act”.

Ang dating pangulo na si Arroyo ay nahalal sa posisyon bilang Speaker of the House, ang pang-apat sa pinakamataas na opisyal sa bansa, noong July 23, 2018 ilang sandali bago magtalumpati si Rodrigo Duterte ng kanyang State of the Nation Address.

Mayorya o 184 sa 238 na miyembro ng mababang kapulungan ang bumoto sa speakership ni Arroyo kung saan 12 lamang ang tumutol.

Makalipas ang sampung buwan ay pinapurihan si SGMA ng mga miyembro ng Kamara dahil sa matagumpay na pakikipag relasyon sa mataas na kapulungan o ang senado at sa executive department – anuman ang kanilang political belief, persuasion at direction.

“Speaker Arroyo directed the House to work tirelessly, thus successfully passing all the priority measures enumerated by the President in his 2018 State of the Nation Address,” saad pa sa resolusyon.

Hindi tulad ng mga panukalang batas, ang resolusyon ay kadalasang ginagamit ng mga miyembro ng Kamara para ihayag ang kanilang opinyon sa mga kasalukuyang usaping panlipunan na nakaapekto sa Pambansang interes.

Sinabi naman ni Arroyo sa kanyang mensahe ng pamamaalam na sa panunungkulan niya bilang house speaker ay mas sinentruhan niya ang masuportahan ang legacy ng administrasyong Duterte.

“My concern has not been on my legacy as speaker – my concern as speaker was to support President Duterte’s legacy in the year that I had as the head of this House,” ayon kay Arroyo.

TAGS: 17th congress, Gloria Macapacal Arroyo, House of Representatives, house speaker, 17th congress, Gloria Macapacal Arroyo, House of Representatives, house speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.