Australia naglabas ng updated travel advisory para sa Mindanao
Naglabas ng updated travel advisory ang Australia upang balaan ang kanilang mga mamamayan sa pagbiyahe sa Central at Western Mindanao at sa Zamboanga at Sulu.
Pinag-iingat ang mga Australians dahil sa umano’y mga insidente ng kidnapping, terror attacks, krimen at karahasan sa ilang mga bahagi ng Mindanao.
“Reconsider your need to travel to eastern Mindanao due to the very high levels of violent crime and the high threat of terrorist attack and kidnapping,” ayon sa pinakahuling travel advisory ng Australia.
Bukod sa ilang bahagi ng Mindanao, pinag-iingat din ang mga turista sa southern Palawan at Siquijor dahil posibleng target din ito ng masasamang loob.
Inabisuhan ding maging alerto ang kanilang mga mamamayan dahil sa mataas na banta ng pag-atake ng terorista kabilang na ang Maynila.
“Be alert to possible threats around locations that have a low level of protective security and places that could be terrorist targets. Possible targets include commercial and public places frequented by foreigners,” sabi pa sa advisory.
Ang updated advisory ng Australia ay inilabas ilang araw matapos mapatay ng Abu Sayyaf group members ang isang Dutch national na matagal na nilang bihag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.