PNP nagtala ng 60 violent incidents sa election period
Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 60 violent incidents sa buong bansa sa kasagsagan ng nagdaang election period.
Sa datos ng PNP, lumabas na 51 na election-related incidents ang nangyari bago ang eleksyon, walo sa mismong araw ng eleksyon at isa pagkatapos ng eleksyon.
Nangyari ang mga insidente mula January 13 hanggang June 6 ngayong taon.
Ayon sa PNP, ang datos ay mas mababa ng 55 porsyento kumpara sa 133 na insidente sa kaparehong panahon noong 2016 presidential elections.
Samantala, sa kabuuang 133 na napaulat na bilang ng mga biktima ng election-related incidents sa 2019, 23 rito ay nasawi, 46 ang nasugatan habang 44 ang hindi nasaktan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.