Negosyanteng nakabase sa Davao inireklamo ng tax evasion sa DOJ
Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng panibagong mga reklamo ng tax evasion laban sa ilang delinquent taxpayer.
Kabilang sa mga ipinagharap ng reklamong paglabag sa ilang probisyonng Tax code of the Philipines ang kumpanyang DTI Overland Transport Corp. na nakabase sa Davao City.
Ayon sa BIR, nabigo ang DTI Overland na magbayad sa gobyerno ng kabuuang P62-million para sa taxable year 2009.
Ang DTI Overland ay nasa trucking business.
Nais ng BIR na panagutin ang mga opisyal nitong sina Jose Miguel Soriano bilang Presidente ng kumpanya at angkanilang General Accountant na si Cecilio Canico.
Aabot naman sa P96-Million ang hinahabol na buwis ng BIR sa mga kumpanyan gkumpanyang Transtech Shuttle Service Inc., Shuttle Club Philippines Corporation, Maten Technologies at ang negosyanteng si Swee Kim Tan Go na siyang may-ari ng Liana’s Trading.
Sa records ng BIR, bigo ang nasabing kumpanya na magbayad ng buwis para sa mga taong 2007, 2008, 2010 at 2012.
Ayon sa BIR, matagal na nilang naabisuhan ang mga ito na may mga obligasyong kinakailangan bayaran sa pamahalaan pero hindi ito tumugon kaya tinuluyan nilang asuntuhin sa DOJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.