Ban sa pagbiyahe ng government officials sa Canada binawi na ng Malakanyang
Binawi na ng Malakanyang ang naunang memorandum na inilabas nito na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe patungong Canada.
Ito ay makaraang maibiyahe na pabalik sa Canada ang mga container na naglalaman ng basura.
Sa inilabas na panibagong memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inabisuhan ang lahat ng department secretaries, head of agencies, Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) na binabawi na ang ban sa pagbiyahe nila sa Canada.
Magugunitang noong May 20 ay nag-isyu ng memorandum ang Palasyo at ipinagbawal ang paglalabas ng travel authorities para sa official foreign trips sa Canada.
Layunin ng May 20 memorandum na mabawasan ang official interaction sa Canadian government dahil nagalit noon ang gobyerno nang hindi sila makatalima sa deadline para mahakot ang kanilang basura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.