Pito arestado ng PDEA sa sinalakay na drug den sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2019 - 08:50 AM

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA-7) ang anim na katao sa sinalakay na drug den sa Barangay Inayawan, Cebu City.

Ayon kay PDEA-7 Spokesperson Leiah Albiar, isinagawa ang operasyon Miyerkules (June 5) ng gabi sa Sitio Little Plaza.

Kinilala ang mga naaresto na sina Mikko Paraiso, Joselito Yangson, Jerson Yangson, Rhulgan Donoso, Charlie Pag-ong at Dexter Gomez.

Pawang residente ng Barangay Inayawan ang anim na suspek.

Nadakip sila sa loob ng isang kwarto at nakuhanan ng 12 gramo ng shabu na mayroong estimated value na P81,600.

Ang naturang kwarto kung saan sila nadakip ay ginagamit umano na drug den.

Isinailaim sa surveillance sa loob ng ilang araw ang lugar bago ginawa ang pagsalakay.

TAGS: Cebu City, PDEA Region 7, Radyo Inquirer, seven arrested, Cebu City, PDEA Region 7, Radyo Inquirer, seven arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.