High school student at 10 iba pa, timbog dahil sa droga sa Quezon City
Timbog ang isang 18-anyos na high school student sa buy-bust operation sa Brgy. Bagong Buhay, Quezon City.
Nakipagsabwatan ang estudyante sa isang tambay para magbenta ng droga sa harapan ng isang supermarket sa lugar.
Positibong nakabili poseur buyer ng droga mula sa dalawa na nakuhaan ng apat na sachet ng shabu.
Bukod dito, isa pang buy-bust operation ang isinagawa sa Brgy. Gulod, Novaliches.
Timbog ang dalawang construction worker, isang security guard at dalawang iba pa na nakuhaan ng 10 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000.
Sa Brgy. Culiat naman, huli ang apat na suspek makaraang mamataang nagsasagawa ng drug session.
Arestado ang isa nang dating drug surrenderee at ang tatlo ay bagong tukoy na drug users.
Nakatanggap ang baranggay ng reklamo hinggil sa nagaganap na sesyon ng mga suspek na agad na nirespondehan ng pulis.
Nakuhaan ang mga suspek ng tatlong sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng iligal na droga pero pinabulaanan na kanila ang mga nakumpiskang droga.
Sasampahan ang pitong suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.