1.3M trabaho nagawa ng gobyerno sa loob ng 12 buwan
Nakapagbigay ang pamahalaan ng nasa 1.3 milyong trabaho sa loob ng 12 buwan, dahilan ng pagtaas ng employment rate sa 94.9 percent na pinakamataas sa lahat ng datos sa buwan ng Abril.
Ayon kay Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, bumaba ng 5.1 percent ang unemployment rate noong Abril kumpara sa 5.5 percent noong April 2018.
Habang ang underemployment rate, na siyang proportion ng mayroon ng mga trabaho pero gusto pa ng dagdag na trabaho, ay bumaba sa pinakamababang 13.5 percent sa mahigit isang dekada kung pagbabatayan ang buwan lamang ng Abril.
Ang naturang bilang ay nagdulot ng 42.2 milyong trabaho para sa mga Pilipino na ayon sa gobyerno ay patunay ng isang masiglang ekonomiya.
Ang nagawang mga trabaho na 1.3 milyon sa nasabing panahon ay higit na doble sa record noong April 2018 na nasa 625,000 lamang.
Iginiit ni Pernia ang patuloy na pangangailangan na ibaba ang unemployment at underemployment rates para maabot ang Philippine Development plant targets sa 2022.
Ang services sector, na binubuo ng 58.5 percent ng total employment, ang pinakamalaking contributor sa dagdag na mga trabaho ayon pa kay Pernia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.