NTC, ipinag-utos sa telcos ang pag-unlock sa mobile phones, devices matapos ang contract period

By Ricky Brozas June 05, 2019 - 07:18 PM

Mahigpit ang utos ng National Telecommunication Commission (NTC) sa mga telecommunication companies (telcos) na ipatupad ang pag-unlock sa mga cellphone sa bansa.

Kasunod pa rin ito ng pagpapalabas ng NTC ng memorandum circular kaugnay ng Rules and Regulations on Unlocking of Mobile Phones and Devices.

Sakop ng mandatory unlocking na direktiba ng NTC ang prepaid at postpaid mobile phones o devices mula sa public telecommunications entities (telcos) sa bansa gaya ng Smart at Globe at iba pang telcos.

Sa pamamagitan ng pag-unlock sa mga cellphone ay mabibigyan anila ng pagkakataon ang mga consumer na ma-utilize ang kanilang cell phone mula sa isang network sa iba pang compatible network.

Nagpaalala pa ang NTC sa mga telcos na bigyan ng malinaw na instruction ang mga customer sa procedures kung paano i-unlock ang kanilang mga cell phone sa pamamagitan ng kanilang websites.

Kapag ibebenta naman ang units na hindi pa naka-unlock ay kailangang walang karagdagang bayad ang pag-unlock sa mga cell phones.

Bibigyan ng NTC ang mga telcos ng dalawang business days para ipatupad ang mandato sa kanilang mga eligible mobile phones o devices matapos matanggap ang request.

Nagbanta naman ang NTC na paparusahan nila ang mga kumpanyang lalabag sa kanilang utos.

Magiging epektibo naman ang memorandum circular sa loob ng 15 na araw matapos ang publication.

TAGS: cellphone, mobile phones, NTC, telecommunication company, cellphone, mobile phones, NTC, telecommunication company

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.