Simbahang Katolika, binati ang pagkakapasa ng Community Service Act

By Angellic Jordan June 05, 2019 - 06:37 PM

Binati ng isang opisyal mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkakapasa ng Community Service Act sa Senado.

Ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Community Service Act na layong magpataw ng community service sa halip na makulong dahil sa minor offense.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Rodolfo Diamante, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, na ipinagdarasal nito ang pagsunod dito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Diamante, matagal na itong adbokasiya ng Simbahang Katolika para sa pagbibigay ng hustisya.

Sa ilalim ng Senate Bill 2195, maaaring isilbi ang community service sa mga pagkakasalang mapapatawan ng arresto menor o pagkakakulong nang hanggang 30 araw at arresto mayor o pagkakakulong ng anim na buwan.

Oras na makumpleto ang community service, maaaring ipag-utos ng korte ang pagkakalaya ng suspek sakaling hindi na kailanganin ang pagkulong sa ibang krimen. / Angellic Jordan

 

TAGS: Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Community Service Act, Rodolfo Diamante, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Community Service Act, Rodolfo Diamante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.