ALAMIN: Brands ng karneng delata na ini-recall dahil sa African Swine Fever

By Rhommel Balasbas June 05, 2019 - 04:46 AM

Inilabas na ng Food and Drug Administration ang listahan ng brands ng mga delatang ini-recall dahil sa isyu ng African Swine Fever (ASF).

Ang mga brands na pinabawi ng FDA ay:
Heaven Temple
Highway
Ma Ling
Narcissus
Shabu Shabu
Sky Dragon
Sol Primo
Wang Taste of Korea
Weilin

Noon pang nakaraang linggo ipinag-utos ng FDA ang recall sa mga pork products mula sa bansang may ASF.

Una rito ay ipinanawagan ni Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) President Boy Tiukinhoy na pangalanan ang imported brands sa pangambang maapektuhan ang local brands sa isyu ng sakit.

Sinegundahan ito ni Laban Kosyumer President Vic Dimagiba at sinabing may karapatan sa impormasyon ang mga konsyumer upang makapamili sila nang maayos.

Hindi mapanganib sa tao ang ASF ngunit makakaapekto ito sa mga baboy na posible nilang ikamatay at magdulot ng malaking epekto sa local pork industry.

TAGS: African Swine Fever (ASF), imported brands, local brands, Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI), African Swine Fever (ASF), imported brands, local brands, Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.