Philippine Sports Commission, nanindigang sinusuportahan si Hidilyn Diaz

By Rhommel Balasbas June 05, 2019 - 12:11 AM

Iginiit ng Philippine Sports Commission (PSC) na tuloy-tuloy ang ginagawang pagsuporta sa mga pangangailangan ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz para sa bid nito sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito ay matapos umapela si Diaz ng financial support mula sa mga pribadong kumpanya.

Sa isang Instagram story, sinabi ng atleta na hirap na hirap na siya sa kanyang sitwasyon pero kung kailangang kapalan niya ang kanyang mukha ay gagawin niya para lamang maiuwi ang gold medal sa bansa.

Pero ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, si Diaz ang nakatatanggap ng isa sa pinakamataas na allowances na kailangan para sa kanyang laban sa Olympics.

“The government has been very supportive,” ani Ramirez.

Umabot na umano sa P4.5 milyon ang inilaan para sa training ni Diaz sa Hainan at Guanxi sa China sa unang limang buwan pa lang ng 2019.

Sinabi pa ng PSC na kargo rin nila ang bayad sa sa foreign coach ni Diaz na si Julius Kaiwen Gao.

Bukod dito ay inaprubahan din ng PSC ang funding request ng Philippine Weightlifting Association na kinabibilangan ni Diaz.

Bukod sa tulong mula sa PSC at Philippine Air Force kung saan enlisted ang atleta, sinabi ni Ramirez na nakakakuha rin umano si Diaz ng tulong mula sa private companies tulad ng MVP Sports Foundation and Alcantara at Sons.

TAGS: financial support, hidilyn diaz, philippine sports commission, PSC Chairman Butch Ramirez, Tokyo 2020 Olympics, financial support, hidilyn diaz, philippine sports commission, PSC Chairman Butch Ramirez, Tokyo 2020 Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.