Vote buying para sa speakership, aabot ng P7M bawat kongresista

By Erwin Aguilon June 04, 2019 - 10:04 PM

Maliit ang P2 milyong suhol para sa bawat isang kongresista upang iboto ang isang nagnanais maging House Speaker.

Ayon kay Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, isa sa naghahangad na maging pinuno ng Kamara sa huling balita na nakarating sa kanya ay maging P7 milyon ito bawat isa.

Sinabi ni Gonzales na dapat ay walang vote buying sa speakership dahil sinisira lamang nito ang institusyon.

Paliwanag nito, maraming damages na idudulot kapag nagkaroon ng bilihan ng boto.

Ang dapat aniyang gawin ng gumagawa ng panunuhol sa kasamahan sa Kamara ay ilahad ang mga agenda nito at programa kapag naluklok bilang pinuno.

Kailangan din anyang marinig ang sentemyento ng bawat isang kongresista.

Samantala, naniniwala si Gonzales na kung pipili ng mamanukin si Pangulong Duterte ay dapat magmula ito sa PDP-Laban bilang ito ang partido ng pangulo.

Nilinaw naman nito na hindi pa niya nakakausap ang pangulo pero kung makakausap niya ito, pakikiusapan niya na manggaling sa kanilang partido ang susunod na speaker upang magpatuloy ang kanyang programa.

TAGS: Aurelio "Dong" Gonzales, house speaker, Aurelio "Dong" Gonzales, house speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.