Pagiging kinatawan ni Cardema ng Duterte Youth kinatigawan ng Comelec

By Clarize Austria June 04, 2019 - 06:48 PM

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpalit ni Ronald Cardema bilang nominee ng Duterte Youth Partylist.

Pinirmahan ang resolusyon ni Comelec chairman Sheriff Abbas at iba pang commissioners.

Nag-abstain naman si Commissioner Luie Tito Guia at nag-dissent si Commissioner Rowena Guanzon.

Ito ay nagresulta sa pagpayag ng komisyon na maging unang kinatawan ng Duterte Youth si Cardema sa bagong listahan ng nominees ng grupo.

Ang pagpalit ni Cardema bilang unang nominee ng partylist ay agad na hinarang ng ilang grupo na agad nagsampa ng petisyon ilang araw matapos ang eleksyon.

Tutol ang ang mga kritiko dahil matanda na anila ang tatlumput dalawang taong gulang na si Cardema upang maging kinatawan ng grupo.

Ang youth sector ayon sa batas ay dapat magkaroon ng kinatawan sa Kongreso na may edad 30-anyos pababa.

Naging kontrobersiyal ang pagpasok ni Cardema sa Duterte Youth Partylist dahil naganap ang substitution dalawang araw bago ang 2019 midterm elections.

Sinabon rin ng Malacañang si Cardema dahil nagpatawag pa siya ng pulong sa National Youth Commission (NYC) gayung ikinukunsidera na siya bilang “resigned” ng pumalit bilang first nominee ng Duterte Youth Partylist.

TAGS: cardema, comelec, Comelec chairman Sheriff Abbas, Duterte Youth, National Youth Commission, cardema, comelec, Comelec chairman Sheriff Abbas, Duterte Youth, National Youth Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.