Alyas Bikoy hindi sumipot sa hearing ng kinakaharap na kasong estafa sa DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo June 04, 2019 - 12:42 PM

Contributed Photo
No-show muli sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa kaniyang kasong estafa si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Ang reklamo ay isinampa isinampa ng isang negosyante mula sa sa Sorsogon na si Arvin Valmores.

Si Valmores na presidente at CEO ng Ardeur World Marketing ay nagsampa ng reklamo kay Advincula matapos na tangayin ang P304,000 sa inorganisang beauty pageant sa Polangui, Albay.

Unang itinakda ang pagdinig sa DOJ noong May 28 pero hindi dumating si Advincula at wala ring ipinadalang abogado.

Inihirit naman ng complainant na ituring nang submitted for resolution ang kaso dahil sa dalawang beses na hindi pagsipot ni Bikoy.

TAGS: bikoy, department of justice, estafa case, Peter Advincula, bikoy, department of justice, estafa case, Peter Advincula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.