Isyu ng human rights dapat tutukan sa susunod na kongreso ayon sa Makabayan Bloc

By Erwin Aguilon June 04, 2019 - 12:33 PM

Nanawagan ang Makabayan Bloc sa Kamara na bigyang atensyon ng susunod na kongreso ang isyu ng paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na maraming mga resolusyon na inihain ang Makabayan Bloc para sa mga paglabag ng pamahalaan sa karapatang pantao subalit bigo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na aksyunan ang mga ito.

Paliwanag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, walang isinagawang malalimang imbestigasyon ang Kamara sa 17th Congress patungkol sa mga extrajudicial at political killings.

Pero dahil naihabol ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa Human Rights Defenders Bill sa ikatlo at huling pagbasa, sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na hindi sila nawawalan ng pag-asa na matalakay pa rin sa 18th Congress ang mga usapin tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Giit ng mga ito, maalala ang 17th Congress bilang passive sa sa pagsusulong sa karapatan ng mga nagsusulong sa karapatang pantao.

TAGS: 18th congress, Congress, human rights violation, Makabayan bloc, 18th congress, Congress, human rights violation, Makabayan bloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.