5 bangkay natagpuan, 8 climbers nawawala sa Indian Himalayas
Namataan ng Indian air force pilots ang limang katawan ng tao sa Indian Himalayas habang nagsasagawa ng search operations para sa walong mountain climbers na nawawala halos isang linggo na ang nakalilipas.
Ayon sa ulat ng foreign media, ang mga katawan ay nakita sa kaparehong ruta na tinahak ng nawawalang mountain climbers.
Dahil dito, ‘assumed dead’ na ang walong mountain climbers na apat na Briton, dalawang Amerikano, isang Australian at isang Indian.
Inihinto muna ang search operations dahil sa heavy snowfall at malakas na hangin.
Ayon kay District Magistrate Dr. Vijay Kumar Jogdande magpapatuloy ang paghahanap sa tatlong iba pang mountaineers ngayong araw ng Martes.
Kinokonsulta na rin ang Indian army kung paanong makukuha ang limang bangkay dahil hindi makalalapag ang mga helicopters sa kinaroroonan ng mga ito.
Ang Nanda Devi sa Indian Himalayas ay ang second-highest peak sa India.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.