Duterte ipinag-utos ang pagtugon sa epekto ng fish kill sa Taal

By Rhommel Balasbas June 04, 2019 - 04:19 AM

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na fish kill sa Taal Lake kung saan higit 600 tonelada ng tilapia ang namatay na aabot sa P42.9 milyon ang halaga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinakikilos ng presidente ang mga ahensya ng gobyerno para bantayan ang sitwasyon partikular ang kalidad ng tubig sa lawa.

Lumutang ang mga isda sa Taal Lake dahil sa pagbabago ng temperatura at pag-angat ng asupre sa tubig.

“The President has expressed concern about the fish kill in Taal, which according to fisheries experts is caused by sulfur upswelling triggered by the strong Amihan that accompanies an extreme temperature drop,” ani Panelo.

Inatasan din ng presidente ang mga opisyal na magpatupad ng mga kaukulang hakbang upang hindi makaapekto nang malaki sa bansa ang insidente.

Kabilang sa mahigpit na pinababantayan ni Duterte ay ang presyo at suplay ng isda at ang pagtiyak na sariwa ang mga ibinebenta sa mga palengke.

Samantala, binalaan ng Malacañang ang publiko sa pagpapakalat ng pekeng mga balita tungkol sa fish kill para hindi magdulot ng pagkabahala.

 

TAGS: Fish kill, Isda, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Taal Lake, Tilapya, Fish kill, Isda, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, Taal Lake, Tilapya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.