Pichay isinugod sa ospital matapos dumugo ang ilong habang nasa sesyon

By Rhommel Balasbas June 04, 2019 - 03:27 AM

Dinala sa ospital si House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr. makaraang makaranas ng pagdurugo ng ilong habang naka-break ang sesyon sa Kamara Lunes ng gabi.

Mula alas-3:00 ng hapon ay pinangungunahan ni Pichay ang sesyon sa Mababang Kapulungan.

Agad na pinuntahan ng medical team si Pichay at sinakay sa wheelchair upang bigyan ng first aid.

Dinala ito sa St. Luke’s Medical Center sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Nang tanungin ng media ang kanyang kondisyon habang inilalabas sa Kamara, sinabi ni Pichay na ayos lamang siya at hindi gaanong masama ang kanyang pakiramdam.

Sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate na nagkaroon ng mataas na blood pressure si Pichay.

Pansamantalang humalili kay Pichay bilang presiding officer ang kapwa niya deputy speaker na si Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano.

Samantala, sa Facebook post mula sa tanggapan ni Pichay, nakasaad na ang opisyal na diagnosis sa kongresista ay nosebleed.

Tiniyan naman sa publiko na maayos ang kundisyon ng mambabatas at inaasahang dadalo ito sa sesyon ngayong Martes para ituloy ang kanyang tungkulin bilang Deputy Speaker.

Nagpasalamat ang pamilya ni Pichay sa emergency response team sa Kamara, sa mga constituents, kaibigan at kapwa kongresista nito sa kanilang pag-aalala.

 

TAGS: high blood, House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., Kamara, nosebleed, high blood, House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., Kamara, nosebleed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.