Malacañang buo ang suporta kay DSWD Sec. Bautista
Suportado ng Malacañang si dating Armed Forces of the Philippines General at ngayo’y Social Welfare Sec. Rolando Bautista.
Ito ay sa gitna ng batikos na kanyang tinamo sa brodkaster na si Erwin Tulfo.
Magugunitang tinawag ni Tulfo na walang kwenta at inutil si Bautista dahil sa ilang isyu sa kanyang tanggapan.
Nag-ugat ang isyu makaraang tumanggi ang opisyal na magpa-interview sa radio program ni Tulfo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangang pairalin ang respeto sa magkabilang panig.
Nilinaw pa ni Panelo na bukas ang mga opisyal ng pamahalaan sa media interviews.
“Not only should be, we are accessible. It takes a little time for others, but we are accessible. We do not block media from coming in,” ayon pa kay Panelo.
Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na ipinauubaya na nila kay Presidential Communications and Operation Office (PCSO) Sec. Martin Andanar kung iimbestigahan si Tulfo.
Si Tulfo ay may programa sa government radion station na Radyo Pilipinas.
Makaraan namang batikusin ng mga mga miyembro ng Philippine Military Alumni Association at ilang Netizen ay humingi rin ng paumanhin si Tulfo kay Bautista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.