Bilang ng “very happy” na Pinoy tumaas ayon sa SWS

By Angellic Jordan June 03, 2019 - 03:54 PM

Inquirer file photo

Tumaas ang bilang ng mga Filipino na ikinokonsidera ang kanilang sarili na masaya sa unang bahagi ng 2019.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 44 percent ng mga Pinoy ang ‘very happy’ sa kanilang buhay.

Limang porsyento ang itinaas nito kumpara sa 39 percent noong huling bahagi ng taong 2018.

Nasa 49 percent naman ang mga Pinoy na ‘fairly happy’ sa kanilang buhay.

Tumaas din mula sa 48 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.

Habang 8 percent ang ‘unhappy,’ 7 percent ang ‘not very happy’ at 1 percent ang ‘not at all happy.’

Samantala, tumaas din ang bilang ng mga Filipino na nasisiyahan ang kanilang buhay.

Mula sa 34 percent noong December 2018, tumaas ang bilang sa 37 percent noong buwan ng Marso.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1 thousand 440 Filipino adults mula March 28 hanggang 31, 2019.

TAGS: fairly happy, filipino, Social Weather Stations, survey, very happy, fairly happy, filipino, Social Weather Stations, survey, very happy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.