2,000 ilegal na troso naharang ng mga tauhan ng Philippine Army sa Barira, Maguindanao

By Jimmy Tamayo June 03, 2019 - 11:46 AM

Napigilan ng mga tauhan ng Philippine Army ang mga troso mula sa isang watershed sa bayan ng Barira sa Maguindanao.

Ikinakarga na sa dalawang truck ang nasa dalawang libong mga pinutol na puno nang maharang ng mga tauhan ng 37th Infantry Battalion sa pangunguna ni 1st Lt. Ric Pitallano sa Barangay Lamin.

Nakatakas naman ang driver ng dalawang truck bago pa sila masakote ng mga sundalo.

Naaresto naman ang tatlo katao na nagsisilbing escort ng truck na nakilalang sina Bacve Morog, Rudta Fanares at Marju Elias.

Nabatid na dadalhin ang mga troso sa bayan ng Parang.

TAGS: barira, maguindanao, barira, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.