Grupo ng health workers nag-protesta sa tanggapan ng DOH
Kinalampag ng grupo ng health workers ang tanggapan ng Department of Health (DOH) para ipanawagan pagpapalabas ng naantalang benipisyo nila.
Ayon kay Robert Mendoza, national president ng Alliance of Health Workers, hindi pa nila natatanggap hanggang ngayon ang 2017 performance bonus nila.
Ang patuloy aniyang pagkaantala ng naturang benipisyo ay malinaw na pagpapawalang halaga sa mga manggagawa sa health sector.
Kasabay nito ay isinigaw din ng grupo ang substantial salary increase na P16,000 para sa minimum wage earners at P30,000 entry level salary para sa mga nurses na siyang tuluyan aniyang sasagot sa problema ng mga health workers sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.