MMDA nag-operate laban sa mga ilegal na nakaparada sa palibot ng paaralan sa QC; ilang tricycle nahuli din dahil sa overloading
Nagsagawa ng operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa palibot ng mga paaralan.
Ilang sasakyan ang nasampulan at ipinahatak ni MMDA Chairman Danilo Lim sa IBP Road sa Quezon City.
Sa nasabing lugar malapit ang mga public school Batasan Hills.
Isang kulay pulang van ang nasampulan na apat na buwan nang abandonado sa Batasan Hills Elementary School.
Nag-operate din ang MMDA at Land Transportation Office (LTO) laban sa mga tricycle na bumibiyahe at ginagamit na school service.
Ilang tricycle ang hinuli dahil lagpas sa apat na dapat lamang na bilang ng pasahero ang sakay ng mga ito.
Ilan sa mga nahuling tricycle, nagsasakay ng hanggang pitong estudyante.
Ayon kay Lim, kaligtasan ng mga paslit na pasahero ang dapat na isaalang-alang lalo pa at ang mga batang papasok ay mga inaantok pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.