13 retiradong ‘hero dogs’ ng PDEA muling nakahanap ng panibagong tahanan at pamilya
Ang labintatlong retiradong anti-narcotic dogs ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay muling nakahanap ng panibagong tahanan at pamilya na mag mamahal at mag aalaga sa kanila.
Ipinaubaya na ng PDEA noong Huwebes sa isang ceremony na ginanap sa K9 Unit facility ng Ahensya sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan ang mga ‘hero dogs’ o K9 sa mga taong nagnanais na kumupkop sa kanila
Sinabi ni Director General Aaron Aquino ng PDEA, na nauna nang sumailalim sa screening at interview ang mga aplikante na nais mag ampon sa mga asong ito upang malaman kung mayroon silang kakayahan na alagaan ang naturang mga aso.
Dagdag pa ni Aquino, mula sa tatlumpu’t tatlong aplikante ay labing tatlo lamang ang nakapasang mapahintulutan na mag ampon sa mga aso.
Ang PDEA ay mayroong labing-walong retiradong aso na binubuo ng labing – apat na Belgian Malinois, dalawang Jack Russel Terrier, isang German Shepherd, at isang Labrador.
Sinabi rin ni Aquino na labintatlong K9 lamang ang pinayagang maipaampon, dahil sa agresibong pag uugali ng dalawang Belgian Malinois kung kaya’t hindi sila naaangkop para ipaampon.
Samantala, sa mga tauhan naman ng PDEA ipinaubaya ang pangangalaga sa anim pa na aso na nagpahayag ng kanilang pagnanais na pagkupkop.
Ang mga tinaguriang ‘hero dogs’ ay nagsilbi sa ating bansa lalong lalo na pagdating sa mga anti-illegal drug operations ng PDEA sa mga bilangguan, search and seizure, mga interdiction at checkpoints sa mga paliparan, at mga transport terminal sa buong bansa.
Pagpapatuloy ni Aquino, ginawa nila ang pagpapa-ampon sa mga alagang hayop na ito para naman matamasa nila ang stress-free environment sa isang mapagmahal na pamilya na mag aaruga at magbibigay ng atensyon sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.