Sugatan sa pagsabog sa Sampaloc, 7 katao na

By Clarize Austria June 02, 2019 - 11:38 AM

Umabot na sa pitong katao ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Sampaloc, Maynila kanina alas 8:00 ng umaga, June 3.

Nakilala ang mga sugatan nadumaan lamang sa lugar na sina Marilyn Parreño, 57 anyos, Merliza Defeo, 42 anyos, at Shirley Villarazo, 28 anyos.

Nadamay din ang 3 anyos na bata na si Mark Joseph Macabale kasama si Live Espino na 28 anyos, Reaniel Garcia na 37 anyos, Jeffrey Hernandez na 28 anyos.

Dinala ang mga biktima sa Mary Child General Hospital kung saan binibigyan ng lunas ang mga biktima.

Gas leak ang dahilan ng pagsabog sa isang tea house kung saan nadamay ang mga kalapit na establisyimento ayon sa Manila Police District (MPD).

TAGS: gas leak, Manila Police District (MPD), pagsabog, tatlong taong gulang na bata, gas leak, Manila Police District (MPD), pagsabog, tatlong taong gulang na bata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.