Water level ng ilang dams patuloy ang pagbaba

By Clarize Austria June 02, 2019 - 08:28 AM

Patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dams ngayong araw, June 2.

Sa inilabas na report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration – Department of Science and Technology  (PAGASA-DOST) alas 6:00 ng umaga, bumama ang water level ng Angat dam sa 168.67 meters mula sa 169 meters kahapon.

Nabawasan rin ng Ipo dam na mula sa 101.06 meters ay naging 101.05 meters.

Ang La Mesa dam naman ay may 68.87 meters ngayong araw na mas mababa kumpara sa kahapong 68.94 meters.

Bumagsak din ang lebel ng tubig sa mga sumusunod na dam:

Ambuklao:
741.99 meters mula 742.05 meters

Binga:
568.48 meters mula 568.54 meters

San Roque:
238.11 meters mula 238.36

Pantabangan:
193.92 meters mula 193.94 meters

Caliraya:
286.19 meters mula 286.29 meters

Habang bumama ang tubig sa mga nasabing dams ay tumaas naman water level ng Magat dam ng 0.11 meters o 188.58 meters kumpara sa 188.47 meters kahapon.

TAGS: Dam updates, pagbaba ng lebel ng tubig sa dams, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration - Department of Science and Technology  (PAGASA-DOST), Dam updates, pagbaba ng lebel ng tubig sa dams, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration - Department of Science and Technology  (PAGASA-DOST)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.