Manobo Tride pinayagan ang operasyon ng isang kumpanya sa kanilang lupain
Pinaunlakan ng tribong Manobo ang isang power company na magpatuloy ng operasyon sa kanilang ancestral lands sa paanan ng bundok Apo.
Pumayag ang tribo na kumalap ng geothermal energy sa lugar ang Energy Development Corporation (EDC) hanggang 2044.
Humingi naman ng basbas ang mga lider ng tribo mula sa kanilang mga ninuno na pagpapalain sana ang 52-megawatt Mindanao 1 Geothermal Partnership (M1GP) at 54-megawatt Mindanao 2 Geothermal Partnership (M2GP) sa susunod na 25 taon.
Pumirma naman ng memorandum of agreement ang mga opisyal ng EDC at mga lider ng Manobo-Apao Descendants of Ancestrals Domain of Mt. Apo (Madadma) sa Kidapawan City, Cotabato.
Makakakuha naman ng royalty na 1 centavo kada kilowatt-hour ng gothermal energy kada taon ang kapalit ng pagpayag ng tribo sa pagpapatuloy ng operasyon ng EDC sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.