P200K halaga ng troso natagpuan sa Angat Dam Watershed

By Marlene Padiernos June 01, 2019 - 07:29 PM

Mahigit sa 200,000 piso ng iligal na troso ang nakumpiska ng mga otoridad na nagbabantay sa Angat Dam Watershed noong araw ng Huwebes, ika-30 ng Mayo 2019.

Ayon kay Ramil Gata, Head ng National Power Corporation (NAPOCOR) ng Angat Watershed Area Team (AWAT), hindi pa nakikilala ang mga kalalakihan na nag-abandona sa mga iligal na torso sa Sitio Macaingalan, Barangay Puray sa Bayan ng Rodriguez sa Rizal.

Ang mga naiwang troso ay may kulay pula at puti at may habang 2,350 talampakan.

Aniya, ito na ang kanilang ika-anim na beses na mayroong iligal na Gawain sa lugar..

Ang NAPOCOR ang namamahala sa Angat Dam Watershed na matatagpuan sa bulubundukin ng Sierra Madre sa lalawigan ng Bulacan, Rizal at Nueva Ecija na nagsu-supply ng malinis na tubig sa buong Metro Manila.

TAGS: 000 piso ng iligal na troso, 200, Angat Watershed Area Team (AWAT), National Power Corporation (NAPOCOR), 000 piso ng iligal na troso, 200, Angat Watershed Area Team (AWAT), National Power Corporation (NAPOCOR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.